Merong Forever

Meron nga bang FOREVER?

by Francis Anwell Tordecilla

Nauuso na sa bansa natin ang paggamit ng salitang forever. Madalas kong nababasa ang salitang ito sa mga posts, statuses, at tweets pero sa unang pagkakataon ay narinig ko ang kuwento ng propesor ko tungkol sa love story ng kanyang [grand]parents na muling nagbalikan at naniwala raw sa forever. Kung sa kanila nga, nag-e-exist ang forever pero universally speaking, meron nga bang forever?

Forever

Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang forever ay may kahulugan na “for an endless time,” “for all time,” “for a very long time,” at “at all times”. Endless time? Meron nga bang ganoon? Sa lahat ng nakikita ng aking mga mata, wala akong nakikita na kahit anong nagtatagal nang pang-habambuhay. Siguradong imposible na ang buhay ng tao ay forever kasi maimbento rin ang salitang sementeryo kung saan nililibing ang mga taong wala nang buhay. Kapag inilibing mo ang isang tao, ibig sabihin nito’y patay na siya. Kapag patay na ang isang tao, tapos na ang buhay niya. Walang katapusan ang forever. Same applies for animals. Sa mga bagay at gamit naman, madalas nawawasak ang mga gamit na nahuhulog because everything that fallsbreaks. Kapag nawasak na ito, hindi na ito magtatagal.

Hindi rin madalas posible na ang mga hindi natin nakikita ay nagtatagal nang pang-habambuhay. Tingnan natin ang pag-ibig. May mga relasyon na natatapos, may mga marriages na natutuloy sa hiwalayan. Tingnan natin ang katanyagan ng tao. May mga artistang nawawala sa eksena at nalalaos na rin due to popular demand.

Mayroon nga bang forever? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, ang tanging forever na nagtatagal nang panghabambuhay ay ang pagbabago. Hindi ko siya maipaliwanag nang ayos pero universally speaking, ang lahat ay nagbabago. Paano ba nagbabago ang buhay ng tao? Nagbabago ang buhay kapag namatay na ito. Paano ba nagbabago ang pag-ibig? Nagbabago ang pag-ibig kapag nawalan na ng interes at tamis ang relasyon.

Nangangahulugang hindi pag-ibig, buhay ng tao, o ano man ang nagtatagal nang panghabambuhay. Pagbabago ang nagtatagal nang panghabambuhay kaya meron talagang forever (universally speaking) at nagtatago ito sa katauhan ng change. Tanggapin na lang natin na araw-araw, may nagbabago at hanggang dumating ang bagong siglo, laging nariyan ang FOREVER.

THERE IS CHANGE FOREVER.

 

the author

Merong Forever

Mr. Francis Anwell Tordecilla, 17 years old, is a student at the Ateneo de Manila University. He loves surfing the Net and making music mashups. He believes in forever. For him, “Change and God’s love is forever.”

the author2

Other Forever stories written by:

Hermie V. SalitaDara SanchezForeverMeygen D. Cruz

Other trending news, stories, and topics as they happen!

advocates and program    education and technologies2   fashion and style   pageant and beauties

politics and governance   showbiz and entertainment2   travels and adventures   trending2

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s